DOLE at BI, kinalampag ng isang senador dahil sa pananatili ng illegal foreign workers sa bansa

Manila, Philippines – Ikinadismaya ni Senator Sherwin Gatchalian ang report na may mga Chinese workers din na nagtatrabaho maging sa mga pribadong construction sites.

Bunsod nito ay pinapakilos ngayon ni Gatchalian ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) para paigtingin pa ang mga hakbang laban sa mga illegal foreign workers.

Binigyang-diin ni Gatchalian na kaya tayo nagtatrabaho na mapabuti ang ekonomiya at humihikayat ng mga mamumuhunan ay upang makapagbigay ng trabaho sa ating mga kababayan.


Bunsod nito ay iginiit ni Gatchalian na hindi dapat hayaan ng pamahalaan na makuha ng mga dayuhan ang mga trabahong nakalaan para sa mga Pilipino sa sarili nating bansa.

Facebook Comments