DOLE at BSP, hinihikayat ang mga employer na idaan sa ATM ang sahod ng mga manggagawa

Isinusulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na idaan ang sahod ng mga empleyado sa ATM.

Ito ay upang para maprotektahan ang mga ito sa mga posibleng pananamantala.

Ayon kay DOLE Bureau of Labor Relations Director Maria Consuelo Pacay, pagkakataon na rin kasi ito para magkaroon ng savings ang mga manggagawa.


Aminado ang DOLE na hindi mandatory sa mga employer na idaan sa bangko ang sahod ng mga empleyado dahil hindi ito nakasaad sa batas.

Facebook Comments