Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi na minamandato sa mga employer ang pagbibigay ng libreng swab testing para sa ilang sektor.
Ang dalawang kagawaran ay naglabas ng Joint Memorandum Circular (JMC) 2020-04-A, kung saan ginagawang boluntaryo na lamang ang regular swab testing.
Batay sa naunang memoranda, ang mga manggagawa sa sumusunod na sektor ay sasailalim sa RT-PCR test nang libre:
– Tourist Zones
– Local Manufacturing Companies
– Transport and Logistics
– Food Retail
– Education
– Financial Services
– Non-food Retail
– Services
– Public Market
– Construction
– Water Supply
– Sewerage
– Waste Management
– Public Sector
– Mass Media
Nabatid nitong Mayo, nanawagan ang People Management Association of the Philippines (PMAP) sa pamahalaan na ikonsidera ang pagbibigay ng libreng testing sa mga manggagawa sa pribadong sektor, lalo na sa mga nagtatrabaho sa micro, small at medium enterprises (MSMEs).
Tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi kakayanin ng pamahalaan na sagutin ang gastos ng mass testing ng private employees.