Hinimok ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang Department of Labor and Employment na makipag-ugnayan sa Department of Trade Industry and at iba pang concerned agencies para sa paggawa ng mga istratihiya at maglatag ng mga kinakailangan hakbang upang maibsan ang epekto ng coronavirus disease (COVID-19) outbreak sa pangkabuhayan ng at empleyo ng mga apektadong Filipino.
“Umaapela tayo sa DOLE at ang DTI at iba pang mga ahensya na magtulungan para gumawa ng mga paraan kung paano matutulungan ang milyun-milyong Pilipinong mawawalan ng trabaho dahil sa pandemyang ito,” wika ni Go.
“Sa ngayon pa lang, marami nang business ang nagsara at dahil dito, marami na ring Pilipino ang nawalan ng trabaho,” dagdag Senador.
Kapag hindi kasi aniya kumilos ang mga kinauukulang ahensiya sa lalong madaling panahon para ilatag ang mga istratihiya at mekanismo ay posibleng lalo pang lumala ang lagay ng ekonomiya ng bansa.
Una nang inamin ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III noong Mayo 20 sa Senate Committee of the Whole hearing na aabot na 2.6 million workers ang nawalan ng trabaho dahil sa health crisis.
Binanggit ni Go na sa ilalim ng Balik Probinsya, Balik Pag-asa (BP2) program, na dapat ay ipatutupad na todo matapos ang pandemic, ay tukoy na ng DOLE at DTI ang mga programa na paiiralin para maibsan ang pagkawala ng mga trabaho at mabigyan ng alternative sources of livelihood ang mga apektado.
“Marami pong mga kababayan natin na nagtatrabaho dito sa Kamaynilaan para lang may maipadalang pera sa kanilang pamilya sa probinsya ang nadala na at gusto nang umuwi dahil sa krisis na dulot ng COVID-19,” Sabi ni Go.
“Ito po ang rason kung bakit ko ibinahagi ang inisyatibong Balik Probinsya para mabigyan ng bagong pag-asa ang ating mga kababayan. Wala pong pilitan ito. ‘Yung mga gusto pong bumalik na sa probinsya, tutulungan po kayo ng gobyerno na magsimula muli sa paraan na ligtas at makakabuti sa inyo at sa komunidad na inyong babalikan,” dagdag pa niya.
“Mayroon nang mga programa na nakalatag ang DOLE at DTI. Gamitin dapat ito para makatulong sa mga mawawalan ng trabaho,” Giit pa ng senador.
Mag-aalok naman angDOLE ng samut-saring programa sa magkaibang yugto. Sa immediate phase, ang kagawaran ay tutuon sa mga nawalan ng hanap-buhay sa panahon ng COVID-19 outbreak.
Kabilang sa mga programang ito ay Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged or Displaced Workers Program at Government Internship Program (TUPAD-GIP), Special Program for Employment of Students during their school breaks, Work Appreciation Program for on-the-job training experience, Tulay 2000 Program for persons with disabilities, and JobStart for employment facilitation.
Mayroon ding DOLE ASSIST WELL (Welfare, Employment, Legal, Livelihood) Program para sa national reintegration program ng overseas Filipino workers, wage subsidy, one-time assistance para sa qualified freelancer beneficiary, Integrated Livelihood and Emergency Employment Program, at Labor Enforcement and Action Program (LEAP)-Balik Probinsya ay Kabilang sa mga nais ipatupad ng labor department sa short-term period.
Samantala, ang mediate or medium-term, tutulong ang DOLE sa nursing graduates at Technical Education and Skills Development Authority-trained nurse assistants na makakuha ng trabaho. Dagdag pa dito ang iminumungkahi ng DOLE na dagdagan ng Department of Public Works and Highways ang bilang ng manggagawa sa mga lokalidad kung saan isinasagawa ang kanilang mga proyekto.
Sa Kabilang banda, sinabi naman ng DTI na handa na silang magkaloob ng ibat-ibang financial assistance para sa micro, small and medium enterprises support and development, tulad ng Livelihood Seeding Program-Negosyo sa Barangay Kabilang na mentoring and training bilang dagdag sa seed capital; Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso Program – Enterprise Rehabilitation Program; Negosyo Centers sa ilalim ng Go Negosyo Act for business registration, technology centers, production at management trainings at marketing assistance mula sa ibat-ibang ahensiya; Shared Service Facilities Program para sa machinery, equipment, tools, systems, skills and knowledge para sa MSMEs; Diskwento Caravan or Rolling Stores, Philippine Trade Training Center Global MSME Academy; at Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Program para sa mga biktima ng pandemic.
“We need to do whatever it takes to find the solutions for our Filipino brothers and sisters, especially those who may soon lose their jobs due to the crisis. From job fairs, information on job opportunities, skills training and availability of alternative forms of livelihood — let us do what we can to help the country bounce back from this crisis,” Saad ni Go.
Kamakailan ay hinimok ng Senador ang gobyerno na asistihan ang SMEs manufacturing COVID-19-related medical devices and equipment para makatulong sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na medical supply para sa frontliners na patuloy na lumalaban sa health crisis.
Partikular siyang nakiusap sa DTI na alamin ang kanilang existing programs para potensiyal na masuportahan ang SMEs na siyang gumagawa ng medical supply and equipment, tulad ng personal protective equipment at masks.