Tinuligsa ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang National Capital Region (NCR) wage board.
Ito ay dahil sa pagiging “duplicitous at playing politics” sa pagbasura sa orihinal na wage petition ng TUCP na nagmumung-kahi na itaas ang minimum na sahod sa ₱1,007 pesos kada araw.
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, nagmistulang walang katapatan ang DOLE at wage board sa tunay na kinakaharap na kagutuman ng mga minimum wage earners.
Sa tingin ng labor group hindi seryoso ang mga ito sa pagbibigay ng agarang economic relief sa mga minimum wage earners.
Sabi pa ni Mendoza ang malinaw sa kanila ay nilalaro na lamang sila.
Nagbanta ang TUCP na kanila nang imumungkahi ang abolisyon ng wage board sa susunod na Kongreso dahil pinatutunayan lamang nila ang kanilang pagiging inutil.