Naglatag ng programa ang pamahalaan para sa kabuhayan at skills development ng mga driver ng Public Utility Vehicles o PUV, lalo na ang mga operator na hindi magko-consolidate ng kanilang individual franchises sa ilalim ng mga kooperatiba o korporasyon.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (CPO), inihayag ni Office of Transportation Cooperatives o OTC Chairman Jesus Ferdinand “Andy” Ortega na mayroong pondo ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Labor and Employment o DOLE at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa mga ganitong programa.
Ayon sa opisyal, ayuda ang maaaring ibigay ng DOLE habang bukas naman ang TESDA para sa mga apektadong tsuper na gustong ibahin ang propesyon.
Layunin ng PUV modernization program ng gobyerno na palitan ang mga jeepney na mayroong hindi bababa sa euro 4-compliant na makina para mabawasan ang polusyon at palitan ang mga yunit na hindi na karapat-dapat sa kalsada, base na rin sa pamantayan ng Land Transportation Office o LTO.