Dagupan City – Tututukan ng Department of Labor and Employment ang implementasyon ng wage increase na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board noong April 15, 2019. Ito ay upang siguruhin na nasusunod ang nasabing kautusan ng mga employers sa buong rehiyon alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act 6727 o mas kilala bilang Wage Rationalization Act.
Matatandaang nagkaroon ng umento sa sahod ng mga empleyado sa rehiyon mula P17 pesos hanggang P30 pesos para sa mga non-agriculture industries at mula P26 pesos hanggang P30 pesos naman sa agriculture industries. Dagdag pa ng ahensya bukod sa classification ng business dumidepende rin ang wage increase sa bilang ng mga empleyado ng isang kompanya. Iginiit ni Mr. Engracio Bailon, ang officer head ng DOLE Central Pangasinan na dapat tumalima ang mga employers sa nasabing kautusan.
Samantala, isa ring tututukan ng ahensya ang pagpapatupad ng Endo Bill sakaling ito’y tuluyang maging batas gayundin ang 4-day work week bill. Ayon kay Bailon handa ang kanilang ahensya na ipatupad at parusahan ang mg lalabag na employers dito.