Mahigpit na binabantayan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang sitwasyon sa Hong Kong matapos gawing mandatory ang COVID-19 vaccinations sa libu-libong foreign workers doon.
Ayon kay DOLE Information and Publication Service (IPS) Director Rolly Francia, mino-monitor nila ang bagong patakaran sa Hong Kong.
Anumang ang nangyayari doon, gagawa ng hakbang ang DOLE para rumesponde sa magiging epekto nito sa mga overseas Filipinos na nasa Hong Kong.
Posible ring maglabas ng komento si Labor Secretary Silvestre Bello III hinggil dito ngayong araw.
Nabatid na nire-require ang mga dayuhang manggagawa sa Hong Kong na magpaturok ng COVID-19 vaccines dahil kung hindi ay hindi ire-renew ang kanilang kontrata.
Sa huling datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), na bumagsak ang deployment sa Hong Kong sa 80-porsyento noong nakaraang taon o nasa 32,000 OFWs para sa buong 2020.
Ang deployment naman ngayong taon ay nasa 2,600 kada buwan.