Binigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng hanggang Disyembre ang Saudi Arabia para maibigay ng mga employer nito ang hindi nababayarang sweldo ng mga overseas Filipino worker (OFWs) doon.
Sa interview ng RMN Manila, nagbanta si Labor Secretary Silvestre Bello III na muling magpapatupad ng deployment ban sa Saudi kapag nabigo itong tumupad sa kanilang usapan.
Nabatid na aabot sa P4.6 million na pasahod mula 2016 hangang 2017 ang hindi pa naibibigay ng mga employer sa halos 12,000 OFWs.
Samantala, ayon kay Bello, may guidelines na ang ahensya sa pamamahagi ng sweldo.
Hinihintay na lamang ng DOLE na maplantsa ang proseso nito sa gagawing pulong ng Technical Working Group ng ahensya at ng counterpart nito sa Saudi ngayong linggo.
Facebook Comments