DOLE, bumuo na ng Task Force para sa mabilis na pagpapauwi sa OFWs mula sa quarantine facilities

Bumuo na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng task groups na tututok sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nanatili pa rin sa mga quarantine facility kahit lagpas na sa quarantine period.

Ayon sa DOLE, layon nito na mas mapabilis ang pag-proseso sa pag-uwi ng OFWs na nakatapos na ng mandatory quarantine period at negatibo sa COVID-19.

Magdadagdag din ang DOLE ng mga tauhan mula sa kanilang mga regional office at iba pang attached agencies para sa Task Force na layong pabilisin ang programa ng pamahalaan na “Hatid-Probinsya, Balik-Abroad”.


Makakatulong ng Task Force ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para matiyak ang maayos na biyahe ng mga pauwing OFWs mula sa quarantine facilities.

Ayon sa DOLE, magtatrabaho ang task group na ito sa isang central command center ng OWWA, Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at International Labor Affairs Bureau (ILAB) ng DOLE.

Pamumunuan ito ni dating Labor Secretary Marianito Roque, katuwang ang tatlong undersecretaries ng DOLE.

Nilinaw naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na wala sa kontrol nila ang mabilis na pag-release ng COVID-19 test results na siyang naging dahilan kung bakit umabot ng mahigit isang buwan sa quarantine facilities ang OFWs.

Facebook Comments