DOLE, dapat gumawa ng malinaw at komprehensibong profiling ng mga repatriated OFW

Iginiit ni Senator Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na gumawa ng malinaw at komprehensibong profiling ng repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Villanueva, kailangan itong madaliin ng DOLE para maging epektibo ang labor recovery at reintegration package sa OFWs na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng Committee on Labor na pinamumunuan ni Villanueva ay lumabas na base sa 2019 survey ay 2.2 million ang OFWs.


Sabi ng DOLE, nasa 600,000 na ang OFWs na humingi ng ayuda kung saan 400,000 sa mga ito ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at nasa mahigit 150,000 na sa mga ito ang nakabalik sa bansa.

Inihirit naman ni Senator Imee Marcos na baka dapat itaas sa 100,000 pesos ang 50,000 pesos na credit assistance sa OFWs na nakapaloob sa panukala.

Hiniling din ni Marcos sa DOLE na i-diversify ang posibleng puntahan ng repatriated OFWs dahil baka hindi lahat ay handang maging negosyante, kaya dapat ay may local jobs din para sa mga gustong mamasukan ulit.

Facebook Comments