Iginiit ni Senator Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng malinaw na patakaran laban sa “no vaccine, no work” policy.
Apela ito ni Villanueva sa DOLE, kasunod ng pahayag ng ilang labor groups na may mga kompanya na ang nagpahiwatig na hindi papasukin o ililipat sa ibang assignment o pagbabakasyunon ang kanilang empleyado na tatangging magpabakuna laban sa COVID-19.
Diin ni Villanueva na siya ring Chairman ng Senate Committee on Labor, hindi maaring obligahin ng mga employer ang kanilang mga manggagawa na magpabakuna.
Paliwanag ni Villanueva, sa pagbabakuna, ay the best pa rin ang ‘Sana All’ bilang proteksyon laban sa virus bukod sa dito rin nakasasalay ang pagbangon ng ekonomiya.
Pero giit ni Villanueva, sa halip na pagbantaan ang mga manggagawa na mawawalan ng trabaho kapag hindi nagpabakuna ay mas mainam na hikatayin ang mga itong magtiwala sa COVID-19 vaccine.