DOLE, handang alisin ang deployment cap ng mga Filipino nurse sa Britain at Germany kapalit ng donasyong bakuna

Ikinokonsidera ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pagbigyan ang hiling na alisin ang deployment cap ng mga health care workers sa Britain at Germany.

Ito ay kung makikipagkasundo ang dalawang bansa na mag-donate ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas kapalit ng pagpapadala sa kanila ng mga nurse.

Matatandaang inalis na ng DOLE ang deployment ban ng mga health care workers pero nilimitahan pa rin sa 5,000 ang bilang ng maaaring mag-abroad kada taon.


Ayon kay DOLE-International Affairs Bureau Director Alice Visperas, sakaling pumayag ang Britain at Germany, gagamitin ang mga donasyon nilang bakuna para sa mga outbound workers at Filipino repatriates.

Wala pang sagot ukol dito ang British Embassy sa Maynila habang hindi pa rin nasasagot ng Germany ang tawag ng ahensya.

Ikinadismaya naman ng Filipino Nurses United ang tila pagtrato ng gobyerno sa mga Filipino healthcare workers bilang commodities o export products.

Facebook Comments