DOLE, handang tumulong sa mga displaced tourism workers

Maaaring mag-apply para sa financial assistance ang mga tourism establishments na nagpatupad ng Flexible Work Arrangements (FWAS) o Alternate Work Scheme (AWS) na nauwi sa pagbawas ng kita o sahod ng mga empleyado.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), magkakaroon ng inclusive implementation ng financial assistance at cash for work program para sa displaced workers sa sektor ng turismo.

Pinapayagan ng DOLE ang mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) sa ilalim ng Bayanihan 1 na mag-apply.


Ang mga LGU-licensed secondary tourism enterprises na nagpatupad ng permanent closure, retrenchment, temporary closure ay pwedeng mag-apply para sa financial assistance ng kanilang mga empleyado.

Nasa 600,000 tourism workers ang inaasahang matutulungan ng CAMP.

Sa ngayon, nasa 74,254 tourism sector workers mula sa 2,318 establishments ang nag-apply para sa financial assistance.

Aabot sa 3 billion pesos ang pondo ng CAMP para sa tourism workers.

Facebook Comments