Hihingi ng tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa local government officials sa pagpapaliwanag sa mga manggagawa at kumpanya ang kahalagahan ng pagsunod sa health at safety protocols laban sa COVID-19.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, umaasa sila na ang mga alkalde ay tutulong para ipaunawa sa mga manggagawa at negosyante ang pagsunod sa mga patakaran.
Iginiit ni Bello na ang health protocols ay binuo dahil nagbibigay ito ng proteksyon sa mga manggagawa.
Kabilang sa responsibilidad ng employer sa ilalim ng interim guidelines ina inisyu ng DOLE at Department of Trade and Industry (DTI) ay ang pagbibigay ng company policies para sa prevention at control ng COVID-19; pagbibigay ng resources at materials na kailangan para maprotektahan ang mga manggagawa sa kanilang workplace tulad ng face masks, pagtatalaga ng safety officer para i-monitor ang COVID-19 prevention at control measures, paigtingin ang health insurance para sa manggagawa at pagbibigay ng shuttle services o accommodation malapit sa lugar ng pinagtatrabahuan.
Simula bukas, August 15, 2020 ay ire-require na ang mga empleyado na magsuot ng face shields sa kanilang workplace.