DOLE, hihirit na sa Pangulong Duterte para sertipikahang urgent ang Anti-Endo Bill

Hihilingin na ni Labor Secretary Silvestre Bello sa Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang Anti-Endo o Anti-Contractualization Bill.

Naniniwala si Bello na magiging ganap na batas ang nasabing panukala bago matapos ang termino ng Pangulong Duterte.

Aniya, mayroon lamang mga isyu sa nasabing bill ang dapat ayusin matapos itong i-veto ng pangulo noong 2019.


Sa ngayon kasi sa ilalim ng contractualization scheme na pinaiiral ng ilang pribadong kompanya, hanggang limang buwan lamang ang trabahong binibigay sa contractual employees para hindi maobliga ang employer na i-regular sa trabaho ang mga manggagwa.

Facebook Comments