Manila, Philippines – Muling hinihikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga job seekers na magrehistro sa PhilJobNet, ang website na itinakda ng DOLE kung saan nakapost ang iba’t ibang mga bakanteng trabaho, lokal man o abroad.
Ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ay dahil sa pinakahuling ulat na kaniyang natanggap, nasa higit 2 libong bagong mga accredited employers ang nagrehistro sa PhilJobNet para magpost ng mga bakanteng trabaho.
Nananatili naman na ang Business Process Outsourcing o BPO ang mayroong pinakamaraming bakanteng trabaho na umabot na sa 8,588, na sinundan ng staff nurse na mayroong 545 na bakanteng posisyon.
Ilan rin sa mga in demand na trabaho sa job portal ay accounting staff, sales manager, secondary technical education teacher, financial o accounts specialists, domestic helper, private housekeeper, building construction engineer, atbp.
Sa kasalukuyan, base sa datos ng DOLE nasa 30, 936 na ang mga job seekers na nakarehistro sa job portal.