DOLE, hinihikayat ang mga MSME na lumahok sa programang magpapalakas ng kanilang negosyo

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga maliliit na negosyante na samantalahin ang Adjustment Measures Program para sa Micro Small Medium Enterprises (MSME).

Ang programa ay nag-aalok ng pondo para sa mga proyekto na magpapataas sa kasanayan at kaalaman ng mga manggagawa sa mga MSME.

Nasa P500,000 hanggang P1.5 milyong pondo ang alok ng DOLE sa ilalim ng nasabing programa para sa mga capacity-building measures.


Kasama rin dito ang mga programa para sa development o pagpapahusay ng mga produkto, labor compliance, business enhancement at iba pa.

Maaari pang maitaas ang pondo depende sa proyektong isasagawa ng MSME na mangangailangan ng teknolohiya o kasanayan.

Sa ilalim ng Adjustment Measures Program, target ng DOLE na maproteksyunan ang mga manggagawa at mga negosyo mula sa pagbabago sa ekonomiya.

Facebook Comments