DOLE, hinihingi sa gobyerno ng Kuwait ang pruwebang kinasuhan na ang employer na pumatay sa Pinay Domestic Worker

Hinihingi ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa Kuwaiti Government ang kopya ng charge sheet laban sa mga pumatay sa Filipina Domestic Worker na si Jeanelyn Villavende.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, nais niya munang makita ang charge sheet bago ikunsiderang alisin ang Partial Deployment Ban ng mga OFW sa Kuwait.

Mayroon dapat aniyang pruweba na pormal na nakasuhan ang mga sangkot sa pagpaslang kay Villavende.


Pero sakaling hindi ito mangyari, mataas ang posibilidad na i-akyat ang implementation sa total Deployment Ban.

Kapag naiprisinta na sa DOLE ang charge sheet, kokonsulta si Bello sa Dept. of Foreign Affairs kung babawiin na ang Partial Ban.

Facebook Comments