DOLE, hinihintay ang Oman na bawiin ang travel ban bago nila i-lift ang deployment restriction para sa mga OFW

Iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat bawiin ng Oman muna ang kanilang travel ban para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Sa interview ng RMN Manila kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi niya na mayroon silang kasunduan ni Oman Ambassador to the Philippine Al-Mantheri na irerekomenda nila sa kanilang gobyerno na tanggalin na ang travel ban para sa mga OFW.

Kapag ginawa ng Oman, saka ito susuklian ng Philippine Government sa pamamagitan pagbawi ng deployment ban.


Binigyang diin ni Bello na dapat ang Oman ang unang gumawa ang hakbang.

Kaugnay nito, nilinaw ni Bello na maaari pa ring makapasok ang mga OFW sa Saudi Arabia basta bakunado ng apat na western brands ng COVID-19 vaccines: ang Pfizer, AstraZeneca, Moderna at Janssen.

Nagpapasalamat ang DOLE kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa pagsisikap na mabakunahan ang mga OFW ng Johnson & Johnson vaccine.

Facebook Comments