Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga may-ari ng private establishments na kumuha ng safety certificate bilang patunay an sumusunod sila sa public health standards.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pagkakaroon ng safety seal ng bawat negosyo ay pagbibigay tiyak sa publiko na nasusunod ang minimum health standards tulad ng social distancing at paggamit ng contact-tracing applications.
Bagamat hindi mandatory ang pagkuha ng safety seal, sinabi ni Bello na mahalaga pa rin ito para sa ligtas na pagbubukas ng ekonomiya.
Ang DOLE ay maglalabas ng certification para sa mga establisyimento sa manufacturing, construction. Utilities, information and communication, at warehousing.
Ang certification ay valid sa loob ng anim na buwan.