DOLE, hinikayat ang mga kumpanya na magsumite ng report online

Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga establisyimento na naapektuhan ng COVID-19 pandemic na magsumite ng kanilang report online.

Ito ay sa pamamagitan ng DOLE Estabishment Report System.

Ang mga establisyimento ay pinapayuhan ng ahensya na pumunta sa website na reports.dole.gov.ph at dito ipasa ang kanilang report.


Ang mga isusumiteng report ay mga may kaugnayan sa pagpapatupad ng flexible work arrangement o alternative working scheme, temporary closure, retrenchment o reduction ng workforce at permanent closure.

Kung rehistrado na ang kumpanya, ang employer ay maaaring magtungo sa log in page para ipasa ang kanilang Report Forms.

Pagka-log in, i-click ang Report Form na kailangang isumite, i-fill up ito, i-upload ang mga kinakailangang dokumento at requirement at ipasa ang report.

Kapag naipasa na ang report, makakatanggap sila ng acknowledgement receipt sa pamamagitan ng email mula sa DOLE.

Facebook Comments