DOLE, hinimok ang mga OFW na mag-avail ng re-integration center programs

Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang returning overseas Filipino workers, kabilang ang mga non-member ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mag-avail ng programa sa ilalim ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO).

Ayon kay NRCO Director Roel Martin, mayroon silang iba’t ibang programa na maaaring i-avail ng lahat ng returning OFWs.

Maaari nilang ma-avail ang livelihood, training at employment facility.


Mayroon din silang loan assistance program sa mga planong magtayo ng sariling negosyo.

Sa huling datos ng DOLE, aabot sa 95,702 OFWs ang na-repatriate ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments