DOLE, idudulog na sa SC ang kaso nito laban sa PLDT

Manila, Philippines – I-aakyat na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Korte Suprema ang nakabinbin nitong kaso hinggil sa regularization order nito laban sa Philippine Long Distance Company (PLDT).

Nabatid na ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang motion for reconsideration ng DOLE ukol dito.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – nag-request na sila sa Office of the Solicitor General (OSG) na maghain ng kaukulang pleadings sa kataas-taasang hukuman.


Sa kanilang Supreme Court pleading, sinabi ni Bello na nasa 7,344 contractual employees ang sakop ng kanilang regularization order.

Giit ni Bello – nararapat lamang na i-absorb o tanggapin ng PLDT ang kanilang contractual workers dahil ito ang “core functions” ng kanilang business lalo at sila ang nagsasagawa ng installation, repair at maintenance ng kanilang communication lines.

Kapag naipadala na ang kaso sa SC, aminado ang DOLE na matagal na panahon pa ang gugugulin bago nila maipatupad ang regularization order.

Facebook Comments