DOLE, iimbestigahan ang Overseas Labor Office nito sa Hong Kong

Pinaiimbestigahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong.

Ito’y kasunod ng paglalagay ng bagong Online System sa Labor Office sa nasabing bansa.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, bumuo na ng factfinding team para silipin ang mga alegasyon sa umano’y paglalagay ng bagong service provider nang walang public bidding o konsultasyon.


Pinalitan ng bagong Online System ang 11 taon nang ginagamit na system para sa mga Real-Time Service sa mga OFW.

Hindi naman binanggit ng DOLE kung kailan sisimulan ang imbestigasyon.

Facebook Comments