DOLE, iimbestigahan ang umano’y pagtatrabaho ng Chinese laborers sa Maynila

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na iimbestigahan nila ang ulat na may mga Chinese na nagtatrabaho sa construction site sa Ermita, Manila.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – iinspeksyunin nila ang construction site para ma-validate ang report.

Ikinasupresa rin ito ni Bello lalo at malapit lamang ito sa kanilang tanggapan.


Sakaling mapatunayang Chinese ang mga ito at nagtatrabaho ng ilegal sa bansa ay mahaharap ang mga ito sa deportation.

Hindi maaaring isyuhan ang mga ito ng Alien Employment Permit (AEP) kung ito ay construction work dahil kaya naman itong gawin ng mga Pilipino.

Hinimok ng DOLE ang publiko na isumbong ang dayuhang ilegal na nagtatrabaho sa kanilang bansa.

Facebook Comments