
Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpanya na ikunsidera ang pagpapatupad ng flexible work arrangements para sa kanilang mga manggagawa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaari nilang ipatupad ito para mabawasan ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho.
Kung hindi naman kakayanin ng mga kumpanya, inirekomenda ni Bello na papasukin lamang ang 50% ng kanilang mga manggagawa.
Sa unang taya ng DOLE, aabot na sa halos 2.5 million na manggagawa ang na-displace dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamataas na bilang ng mga apektadong manggagawa na nasa halos 900,000 kasunod ang Central Luzon, at Davao Region.
Facebook Comments









