DOLE, inatasan ang mga RTWPB na aksyunan ang kautusan ni PBBM na suriin ang kasalukuyang minimum wage rate

Iniulat ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nagkaroon na sila ng pagbabago sa guidelines ng pagre-review ng mga petition sa wage adjustment.

Ito ay bago pa man ipalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kautusan para sa pag-review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa kasalukuyang minimum wage rate sa mga rehiyon.

Ito ang isa sa mahalagang direktiba ng pangulo kaugnay ng isinasagawang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ngayong araw.


Sinabi ni Laguesma na batay sa bagong guidelines, obligadong nagsimula nang magsagawa ng panibagong review sa wage adjustment ang RTWPB, 60 days pagkatapos ang huling ipinatupad na wage increase.

Ibig sabihin, mayroon nang isinasagawang public consultation at hearing hinggil dito.

Sa ngayon, kasalukuyan ang pag-review ng RTWPB sa mga factor na maging batayan sa pangangailangan sa panibagong dagdag sa pasahod.

Facebook Comments