Inihahanda na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang emergency employment program sa mga manggagawang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, nasa 30,000 hanggang 40,000 individuals sa mga lugar na tinamaan ng mga bagyo ang mabibigyan ng emergency employment sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) Program.
Sakop ng programa ang Isabela, Cagayan, Bicol Region, Calabarzon, at MIMAROPA na sinalanta ng Bagyong Rolly at Bagyong Ulysses.
Ang TUPAD ay isang short-term emergency employment program ng DOLE para maibsan ang epekto ng mga kalamidad, sakuna at epidemya sa mga informal workers
Facebook Comments