Iniimbestigahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga insidente ng pananambang at pamamaslang sa mga miyembro ng trade union sa ilalim ng Duterte administration.
Siniguro ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kaugnay sa annual report ng International Labor Organization (ILO) na nagsasabing kulang sa aksyon ang pamahalaan sa pagtugon sa mga naturang kaso.
Partikular na tinukoy ng ILO ang di umano’y kaso ng extrajudicial killing sa 10 trade union members at hindi bababa sa 17 kaso ng pag-aresto at pagdetain sa mga unionists matapos salakayin ang kanilang bahay at opisina.
Kasama rin dito ang 17 kaso ng red tagging at harassment at 12 kaso ng forced disaffiliation campaign at seminar.
Sa ngayon, sinabi ni Bello na hindi bababa sa 60 kaso ng extra-judicial killings at attempted murder sa ilalim ng administrasyong Duterte ang kanilang binabantayan kung saan 20 rito ay pending sa korte.