DOLE, ipapaubaya na sa susunod na Kongreso ang pagpasa ng panukalang four-day work week

Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na bubuhayin sa susunod na Kongreso ang panukalang four-day work week.

Sa harap ito ng ika-10 linggong taas-presyo sa produktong petrolyo.

Ayon kay Labor Asec. Teresita Cucueco, mayroon na dating ginawang pagdinig ang Kongreso hinggil dito pero hindi natapos.


Marami pa kasi aniyang detalye ang kinailangang suriin na batay sa Labor Code.

Bagama’t 100 percent on site work force na ang pinaiiral sa ilalim ng Alert Level 1, sinabi ni Cucueco na may mga empleyado pa rin ang nais mag work-from-home dahil sa mataas na presyo ng gasolina at sa inaasahang taas-pasahe.

Facebook Comments