DOLE, ipinaalala ang holiday pay rules ngayong election day

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawang papasok ngayong araw ng eleksyon na titulado sila para sa holiday pay.

Matatandaang idineklara ng Malacañang ang May 13 bilang special non-working holiday upang magamit ng publiko ang karapatang bumoto ngayong national at local elections.

Sa abiso ng DOLE, ipinaalala nito sa mga employer ang proper payment ng sahod para sa kanilang mga empleyadong magtatrabaho ngayong araw.


Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – ang mga empleyadong papasok ngayong araw ay mabibigyan ng dagdag na 30% ng kanilang arawang sahod.

Ang mga hihigit sa walong oras sa regular working hours ay may dagdag pang 30% na hourly rate.

Kapag ang empleyado ay pumasok ngayong araw at tiyempo pang tumapat bilang kanyang rest day ay may dagdag na 50% sa kanilang daily rate sa ung walong oras ng trabaho.

Umiiral din ang “no work, no pay” policy maliban na lamang kung mayroong company policy o collective bargaining agreement.

Facebook Comments