Ipinauubaya na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga awtoridad ang kasong pagpaslang sa ilang labor leader sa Calamba, Laguna.
Ang tinutukoy ng ahensya ay ang pagpatay kay Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa President Dandy Miguel noong Linggo, March 28.
Si Miguel ay nagsisilbing vice chairperson ng labor group na Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan.
Siya ang ika-50 labor leader na pinaslang sa ilalim ng Duterte Administration.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hayaan ang mga kinauukulan na imbestigahan kung ano ang puno’t dulo sa pangyayari.
Hindi pa masabi ni Bello kung bahagi ito ng black propaganda.
Iginiit ng kalihim na ayaw niya mawala sa focus ang mga labor groups sa national employment recovery strategy ng pamahalaan.