Ipinauubaya na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers kung ilalagay nila ang kanilang mga manggagawa sa work-from-home (WFH) setup sa gitna ng banta ng COVID-19 Delta variant.
Sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang WFH arrangement ay kasunduan sa pagitan ng employer at employee.
Aniya, kung kakayanin naman ng empleyado na gawin ang trabaho nito sa remote areas o sa bahay at hindi kailangang mag-report sa workplace ay pwede.
Pero kung ang WFH ay hindi kailangan, hindi na aniya kailangan ang ganitong special work arrangement.
Paglilinaw ni Bello na ang WFH ay nananatiling available option para sa mga employer.
Facebook Comments