DOLE, ipinauubaya na sa mga kumpanya ang pagpapatupad ng work-from-home arrangement para sa mga empleyado

Ipinauubaya na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanya ang pagpapatupad ng work-from-home (WFH) arrangement sa kanilang mga kawani.

Sa harap ito ng panawagan na ibalik ang WFH arrangement dahil sa matinding init ng panahon.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, prerogative na ng mga employer kung paiiralin ang WFH arrangement at kailangan aniyang bigyan ng flexibility ang mga kumpanya.


Nilinaw din ng kalihim na ang flexible work arrangement ay depende sa klase ng trabaho.

Facebook Comments