DOLE, itinangging inalis na ng Pilipinas ang deployment ban sa OFWs sa Saudi Arabia

Pinabulaanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inalis na ang deployment ban ng Pilipinas sa Saudi Arabia.

Partikular ang pinaiiral na deployment ban sa household service workers (HSWs) at construction workers sa Saudi Arabia.

Ayon sa DOLE, may sindikatong nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng advisory mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagsasabing inalis na ang deployment ban sa Saudi Arabia.


Nanindigan ang DOLE na umiiral pa rin ang nasabing deployment ban.

Mananatili ang deployment ban ng pamahalaan ng Pilipinas hanggat hindi nakikita ng gobyerno ang tiyak na kaligtasan at proteksyon sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kabilang din sa demand ng Philippine Government ang bayaran ang ₱4.5-B na back wages at benefits ng 10,000 Pinoy workers.

Nag-ugat din ang deployment kasunod ng pagmaltrato at pananakit sa 5 Filipino domestic workers ng kanilang employer na retired Saudi general.

Facebook Comments