Pinapakilos ngayon ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva Department of Labor and Employment o DOLE.
Kaugnay ito sa nadiskubreng mga manggawang Chinese na ilegal na nagtatrabaho sa isang construction site.
Giit ni Villanueva, dapat aksyunan agad ito ng DOLE bilang tanging ahensya ng pamahalaan na may kakayahang teknikal para tiyaking legal ang pagtatrabaho ng mga dayuhan sa ating bansa.
Diin ni Villanueva dapat siguraduhin DOLE na mabibigyan lamang ng employment permits ang mga manggagawang dayuhan kapag ang trabaho na nais nilang gawin ay hindi kayang gawin ng mga Pilipinong trabahador.
Ayon kay Villanueva, dapat proteksyunan ng DOLE ang mga trabaho para sa mga Pilipino.
Facebook Comments