DOLE, kinondena ang pagmamalupit ng employer na ikinamatay ng isang OFW sa Kuwait

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na namatay ang isang 47-anyos na OFW sa kamay ng kanyang employer sa Kuwait.

Kinilala ang biktimang si Constancia Lago Dayag, taga Agadanan, Isabela.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – si Dayag ay idinala sa Al Sabah Hospital pero idineklarang dead on arrival.


Nagtamo ang katawan ng biktima ng matitinding pasa at hematoma.

Dagdag pa ni Bello – may ipinasok ding pipino sa maselang bahagi ng biktima

Mariing kinondena ni Bello ang abusong natamo ni Dayag.

Bukod sa paglabag sa agreement on the protection of OFW sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas, nagkaroon din ng breach of employment contract ang foreign employer.

Inatasan na ni Bello ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuwait para tuntunin ang foreign at local agencies na responsable sa deployment ni Dayag.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang DOLE sa pamilya ng biktima at tiniyak ang hustisya.

Facebook Comments