Kinondena ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) ang pagpaslang sa isang labor officer sa lungsod ng Maynila kahapon.
Namatay sa ambush si Helen Dacanay habang nasa kanyang sasakyan sa Malvar Street, sa Malate.
Agad na nanawagan si Labor Sec. Silvestre Bello III, na agarang kumilos para mahuli ang mga nasa likod ng krimen.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang kalihim sa pamilya ng biktima at nangakong magbibigay ng kaukulang tulong hanggang sa maabot ang hustisya.
Sa ngayon, inaalam pa pagkakakilanlan ng mga suspek na namaril kay Dacanay.
Facebook Comments