DOLE, LGU, PNP NAGSANIB PWERSA PARA SA KATUTUBONG KOMUNIDAD NG SAN NICOLAS

Patuloy ang pagbibigay suporta ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Kabayabasan Indigenous People Upland Association (KUPA) sa San Nicolas sa pamamagitan ng mga Livelihood projects.

Ipinamahagi sa IP communities ang sari-sari store, agricultural products, at grocery items na sanib pwersang binuo ng pamahalaan.

Tinutukan ng DOLE, LGU San Nicolas, at PNP-RFMB1 104th Company ang pagpapalakas ng kabuhayan ng katutubong komunidad sa Sitio Lagpan.

Ayon kay Mary Jane D. Hufano, OIC-Head ng DOLE-EPFO, P501,540 ang kabuuang halaga ng proyekto. Kabilang dito ang accident insurance sa bawat miyembro.

Pinaalalahanan ni Hufano ang KUPA na pangalagaan at palaguin ang negosyo.

Facebook Comments