Magsisimula na sa susunod na linggo ang pagtanggap ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng contact tracers.
Ito ay sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program (TUPAD).
Ayon kay DOLE Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) Director Maria Karina Trayvilla, ang bawat contact tracer ay makatatanggap ng ₱16,000 kada buwan.
Ang recruits ay magmumula sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.
Sinabi ni Trayvilla na papasok ang programa ng DOLE lalo na at nahihirapan ang informal workers na makahanap ng mapagkakaitaan ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Para sa qualifications, isinusulong ng DOLE na tumanggap ng high school graduates para sa programa.
Ang mga recruit ay sasailalim sa dalawang araw na virtual trainings at magkakaroon ng written exam.
Ang DOLE ay naglaan ng 205 million pesos para sa hiring ng contact tracers – na susi sa paglaban sa COVID-19.
Ang initial proposal ay 12,000 contact tracers, pero maaari pa itong magbago depende sa magiging pulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).