Maglalaan ng 5,000 pesos ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga manggagawa na naapektuhan ng pag-shutdown ng kanilang kumpanya dahil sa COVID-19.
Ayon sa DOLE, sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), bibigyang-suporta ng DOLE ang lahat ng natanggal na manggagawa sa Luzon kasunod ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Mabuti na rin, anila, ito para masolusyunan ang epekto sa ekonomiya ng COVID-19 lalo maraming pribadong establisyemento na sa bansa ang nagsara.
Ang programa ay para lang sa mga manggagawa sa mga pribadong sektor, kailangan lang magpasa ng employer ng establishment report at company payroll na magpapatunay na apektado ng COVID-19 ang kanilang kumpanya.
Facebook Comments