Manila, Philippines – Tiniyak ni Labor Undersecretary Joel Maglungsod na hindi sila mabablangko sa nakatakdang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Hulyo.
Sa ginawang forum sa Maynila, sinabi ni Maglungsod na halos nasa animpung libong mang-gagawa ang naregular sa kanilang mga trabaho.
Maitututring din aniyang accomplishment ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga naging ayuda sa mga Overseas Filipino Workers gaya ng pag kakaroon ng one stop shop para sa mga OFW.
Bukod pa dito ang ginawa nilang pag-asiste sa repatriations ng mga libo-libong Pinoy sa iba’t ibang bansa gayundin ang mahigit isang libong labor cases na naresolba na.
Bagamat aminado si Maglungsod na mahaba ang proseso ng mga nais mangyari ng mga manggagawa gaya ng tuluyang pagpapahinto sa ENDO at ng minimum wage increase, tiniyak naman ng opisyal na patuloy ang ginagawang pag kayod ng DOLE para maibigay ang mga ipinangako ng administrasyong Duterte sa mga manggagawa.
Kaugnay nito ayon kay Maglungsod, nakatakda silang maglabas ng accomplishment report sa publiko bago ang SONA ng Pangulo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558