DOLE, magpupulong ukol sa plano ng ahensya matapos ang COVID-19 pandemic

199

Magsasagawa ng pagpupulong ang komite na binuo ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa posibleng plano ng ahensya pagkatapos ng COVID-19.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, pag-uusapan sa nasabing pagpupulong ang post COVID-19 scenario.


Binubuo ng nasabing komite ang tatlong undersecretary at isang assistant secretary na babantayan ng consultant ni Bello

Nabatid na pagtutunan ng pansin ang pagsasa-ayos at pagpapaunlad muli ng mga trabaho sa bansa na gaganapin sa lunes, April 13, 2020.

Facebook Comments