DOLE, magsasagawa ng limited face-to-face job fair

103

Aabot sa 8,000 trabaho ang iaalok sa nationwide in-person job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa susunod na linggo.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, gagawing online at limited face-to-face ang anniversary job fair ng kagawaran.

Aniya, ang mga gusto ng face-to-face application sa Metro Manila ay puwedeng mag-register sa www.jobquest.ph para malaman kung kailan sila maaaring pumunta.


Magkakaiba naman aniya ang schedule sa kada rehiyon kaya dapat alamin muna ang detalye sa mga DOLE regional office.

Karamihan sa mga bakanteng trabaho ay mula sa IT, BPO, pang-agrikultura, sales at health sector.

May mga trabaho rin sa ibang bansa para sa mga nurse, baker, auto-mechanic, household service worker at kitchen crew.



Facebook Comments