DOLE, magsasagawa ng monitoring upang matukoy ang mga illegal foreign workers sa bansa

Magsasagawa ng monitoring ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng monitoring upang matukoy ang mga dayuhang ilegal na nagtatrabaho sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – magpapakalat sila ng 5,000 labor inspectors sa buong bansa.

Humingi rin sila ng 2.5 billion pesos sa Department of Finance (DOF) para sa deployment.


Dagdag pa ni Bello – ang pag-iinspeksyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at iba pang kumpanyang tumatanggap ng foreign nationals ay kailangan ng dagdag na DOLE inspectors.

Sa ngayon, may hawak na ang DOLE na listahan ng mga foreign nationals na nagtatrabaho sa POGO base na rin sa datos na isinumite ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Nabatid na aabot sa 76,000 workers ang employed sa POGO at higit 80% dito ay foreign nationals.

Facebook Comments