DOLE, magsasawa na ng pagdinig kaugnay sa usapin ng minimum wage sa Metro Manila

Kumilos na ang Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region (NCR) upang maresolba ang petition hinggil sa usapin ng pagtataas ng sahod sa Metro Manila.

Itinakda ng DOLE ang public hearing sa wage increase sa June 20, 2024, alas-9:00 ng umaga sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City.

Inaanyayahan ng DOLE ang mga employers, mga kawani, samahan ng employer at labor organizations na dumalo sa naturang public hearing.


Ayon pa sa DOLE, maaari ding magsumite ng position paper ang lahat ng stakeholders sa isyu ng pagtaas ng sweldo sa tanggapan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR sa 2nd Floor, DY International Building, San Marcelino kanto ng General Malvar Street sa Malate Manila sa June 18, 2024 o bago sumapit ang nasabing petsa.

Ang hakbang ng DOLE ay tugon sa utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong Labor Day, May 1, 2024 na pag-aralan ang minimum wage sa kada rehiyon sa bansa.

Facebook Comments