Uumpisahan na ng Department of Labor and Employment ang pagtanggap ng aplikasyon para sa P5,000 na cash assistance sa mga manggagawa na apektado ng umiiral na Alert Level 3 at 4 sa bansa.
Ayon kay DOLE Assistant Secretary for the Employment and General Administration Cluster Dominique Tutay, sisimulan nila ang pagtanggap ng aplikasyon sa Lunes, January 24.
Aniya, nasa P1-billion ang inilaan dito sa ilalim ng COVID Adjustment Measure Program (CAMP) 2022.
Sakop ng programa ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa permanenteng pagsasara ng kanilang kumpanya at mga manggagawang suspendido ang trabaho pansamantala dahil sarado ang kanilang kumpanya dahil sa Alert Level 3.
Tinatayang nasa 200,000 na manggagawa ang mabebenepisyuhan ng nasabing programa.