Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magtalaga ng labor attaché sa Osaka, Japan.
Ito ay upang matugunan ang mabagal na proseso ng job orders sa Japan.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – mayroon kasi silang bagong worker requirement kaya kailangan ang mabilis na pagpoproseso.
Iginiit din ni Bello na nag-iingat din ang Philippine Overseas Labor Office o POLO sa pag-aapruba ng job orders mula sa Japanese principals.
Sa kabila nito, itinanggi ni Bello na ang job orders sa Japan ay kinansela dahil sa pagkakaantala ng processing sa POLO.
Facebook Comments