DOLE main office sa Maynila, naka-lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang 3 empleyado

Naka-lockdown na rin ngayon ang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila.

Epektibo kaninang alas-2:00 ng hapon ang lockdown sa DOLE main office matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 3 empleyado nito.

Layon ng lockdown na bigyang-daan ang disinfection sa buong tanggapan ng DOLE upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus.


Sa Lunes, March 22, babalik sa normal na operasyon ang DOLE main office.

Facebook Comments